Add parallel Print Page Options

38 Paglingon ni Jesus at nakita silang sumusunod. Sinabi niya sa kanila: Ano ang inyong hinahanap?

Sinabi nila sa kaniya:Rabbi, na kung liliwanagin ay Guro, saan ka nakatira?

39 Sinabi niya sa kanila: Halikayo at inyong tingnan.

Sila ay pumaroon at nakita nila ang kaniyang tinitirahan. Nanatili silang kasama niya nang araw na iyon, noon ay mag-iikasampu na ang oras.

40 Ang isa sa dalawang nakarinig kay Juan at sumunod kay Jesus ay si Andres. Siya ay kapatid ni Simon Pedro.

Read full chapter