Add parallel Print Page Options

31 Nang makita ng mga nakikiramay na Judio na tumayo si Maria at dali-daling lumabas, sinundan nila siya sa pag-aakalang pupunta siya sa libingan upang doon manangis.

32 Pagdating ni Maria sa kinaroroonan ni Jesus, lumuhod siya sa harap nito at sinabi, “Panginoon, kung narito lang kayo ay hindi sana namatay ang kapatid ko.” 33 Nabagbag ang puso ni Jesus[a] at naawa siya nang makita niyang umiiyak si Maria, pati na ang mga kasama nitong mga Judio.

Read full chapter

Footnotes

  1. 11:33 Nabagbag ang puso ni Jesus: o, Nagalit si Jesus.