Add parallel Print Page Options

54 Dahil dito, hindi na naglakad nang hayagan sa Judea si Jesus. Mula roon, nagpunta siya sa isang bayang tinatawag na Efraim, isang bayang malapit sa ilang. Nanatili siya roon kasama ang kanyang mga alagad.

55 Malapit na noon ang pista ng Paskuwa ng mga Judio, at maraming nagpunta sa Jerusalem mula sa kanayunan bago mag-Paskuwa upang maglinis ng mga sarili ayon sa kautusan. 56 Hinahanap nila si Jesus at habang nakatayo sa templo ay nagtatanungan, “Ano sa palagay ninyo? Hindi kaya siya pupunta sa pista?”

Read full chapter