Font Size
Juan 11:54-56
Ang Salita ng Diyos
Juan 11:54-56
Ang Salita ng Diyos
54 Si Jesus nga ay hindi na lumakad ng hayag sa gitna ng mga Judio. Siya ay nagtungo sa isang lalawigang malapit sa ilang, sa lungsod na tinatawag na Efraim. Nanatili siya roon kasama ang kaniyang mga alagad.
55 Malapit na ang Paglagpas ng mga Judio. Bago ang Paglagpas, marami ang umahon sa Jerusalem mula sa lalawigan. Ang dahilan ay upang dalisayin ang kanilang mga sarili. 56 Hinanap nga nila si Jesus. Sila ay nag-usap-usap sa kanilang mga sarili habang nakatayo sa templo. Sabi nila: Ano sa palagay ninyo ang dahilan na hindi siya pumunta sa kapistahan?
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International