Add parallel Print Page Options

36 Kaya sumampalataya kayo sa akin na siyang ilaw ninyo habang narito pa ako, para maliwanagan ang isipan ninyo.”[a] Pagkasabi ni Jesus nito, umalis siya at nagtago sa kanila.

Ayaw Manampalataya ng mga Judio kay Jesus

37 Kahit na nakita ng mga Judio ang maraming himala na ginawa ni Jesus, hindi pa rin sila sumampalataya sa kanya. 38 Sa ganoon, natupad ang sinabi ni Propeta Isaias,

    “Panginoon, sino ang naniwala sa aming mensahe?
    Sino sa mga pinakitaan mo ng iyong kapangyarihan ang sumampalataya?”[b]

Read full chapter

Footnotes

  1. 12:36 para maliwanagan ang isipan ninyo: sa literal, para maging mga anak kayo ng ilaw.
  2. 12:38 Isa. 53:1.