Add parallel Print Page Options

38 Sa ganoon, natupad ang sinabi ni Propeta Isaias,

    “Panginoon, sino ang naniwala sa aming mensahe?
    Sino sa mga pinakitaan mo ng iyong kapangyarihan ang sumampalataya?”[a]

39 Sinabi pa ni Isaias na kaya ayaw nilang sumampalataya ay dahil:

40 “Binulag ng Dios ang kanilang mga mata upang hindi sila makakita,
    at isinara niya ang kanilang mga isip[b] upang hindi sila makaunawa,
    dahil baka manumbalik pa sila sa kanya, at pagalingin niya sila.”[c]

Read full chapter

Footnotes

  1. 12:38 Isa. 53:1.
  2. 12:40 isinara niya ang kanilang mga isip: o, pinatigas niya ang kanilang mga puso.
  3. 12:40 Isa. 6:10.