Add parallel Print Page Options

38 (A)Ito ay katuparan ng sinabi ni propeta Isaias:

“Panginoon, sino ang naniwala sa aming balita,
    at kanino nahayag ang bisig ng Panginoon?”

39 Hindi sila makapaniwala sapagkat sinabi rin ni Isaias,

40 (B)“Binulag niya ang kanilang mga mata
    at pinatigas ang kanilang mga puso,
upang hindi makakita ang kanilang mga mata
    at hindi makaunawa ang kanilang puso, o makapanumbalik,
    upang pagalingin ko.”

Read full chapter