Font Size
Juan 12:38-40
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Juan 12:38-40
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
38 Nangyari(A) ito upang matupad ang sinabi ni Propeta Isaias,
“Panginoon, sino ang naniwala sa aming ibinalita?
Kanino ipinakita ng Panginoon ang kanyang kapangyarihan?”
39 Hindi nga sila makapaniwala sapagkat tulad ng sinabi ni Isaias,
40 “Binulag(B) ng Diyos ang kanilang mga mata
at pinatigas ang kanilang mga puso,
upang sila'y hindi makakita,
ni makaunawa ang kanilang mga isip,
baka pa sila'y manumbalik sa akin
at sila'y pagalingin ko.”