Add parallel Print Page Options

Subalit si Judas Iscariote, isa sa kanyang mga alagad na magkakanulo sa kanya, ay nagsabi,

“Bakit hindi ipinagbili ang pabangong ito ng tatlong daang denario,[a] at ibinigay sa mga dukha?”

Ngunit ito'y sinabi niya, hindi dahil nagmamalasakit siya sa mga dukha, kundi sapagkat siya'y isang magnanakaw. At palibhasa'y nasa kanya ang supot ay kinukuha niya ang inilalagay doon.

Read full chapter

Footnotes

  1. Juan 12:5 DENARIO: Halos katumbas ng isang taong sahod ng isang manggagawa.