Add parallel Print Page Options

Hinugasan ni Jesus ang mga Paa ng Kaniyang mga Alagad

13 Bago dumating ang kapistahan ng Paglagpas, alam ni Jesus na ang kaniyang oras ay sumapit na upang siya ay lumisan sa sanlibutang ito at pumunta sa Ama. Inibig niya ang mga sa kaniya na nasa sanlibutang ito, inibigniya sila hanggang sa wakas.

At nang matapos ang hapunan ay inilagay nga ng diyablo sa puso ni Judas na ipagkanulo si Jesus. Si Judas ay taga-Keriot na anak ni Simon. Alam ni Jesus na ibinigay na ng Ama ang lahat ng mga bagay sa kaniyang mga kamay. Siya ay galing sa Diyos at babalik sa Diyos.

Read full chapter