Font Size
Juan 13:31-33
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Juan 13:31-33
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ang Bagong Utos
31 Pagkaalis ni Judas ay sinabi ni Jesus, “Ngayo'y luluwalhatiin na ang Anak ng Tao, at sa pamamagitan niya ay luluwalhatiin ang Diyos. 32 [At kapag niluwalhati na ang Diyos sa pamamagitan ng Anak ng Tao],[a] ang Diyos naman ang luluwalhati sa Anak, at ito'y gagawin niya agad. 33 Mga(A) anak, kaunting panahon na lamang ninyo akong makakasama. Hahanapin ninyo ako, ngunit sinasabi ko sa inyo ngayon ang sinabi ko noon sa mga Judio, ‘Hindi kayo makakapunta sa pupuntahan ko.’
Read full chapterFootnotes
- 32 At kapag…Anak ng Tao: Sa ibang manuskrito’y hindi nakasulat ang mga salitang ito.