Font Size
Juan 13:8-10
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Juan 13:8-10
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
8 Muling nagsalita si Pedro, “Hinding-hindi ninyo huhugasan ang aking mga paa!” Ngunit sinabi ni Jesus, “Kung hindi kita huhugasan, wala kang kaugnayan sa akin.”
9 Dahil dito'y sinabi ni Simon Pedro, “Kung gayon, hindi lamang ang mga paa ko, kundi pati na rin ang aking mga kamay at ulo!”
10 Sumagot si Jesus, “Ang nakapaligo na ay hindi na kailangang hugasan pa [maliban sa kanyang mga paa],[a] sapagkat malinis na ang buo niyang katawan. At kayo'y malinis na, subalit hindi lahat kayo.”
Read full chapterFootnotes
- 10 maliban sa kanyang mga paa: Sa ibang manuskrito'y hindi nakasulat ang mga salitang ito.