Font Size
Juan 17:22-24
Ang Salita ng Diyos
Juan 17:22-24
Ang Salita ng Diyos
22 Ang kaluwalhatian na ibinigay mo sa akin ay ibinigay ko sa kanila upang sila ay maging isa tulad natin na isa. 23 Ako ay nasa kanila at ikaw ay nasa akin upang sila ay maging ganap na isa at upang malaman ng sangkatauhan na isinugo mo ako. At malaman din nila na iniibig mo sila tulad ng pag-ibig mo sa akin.
24 Ama, nais ko na ang mga ibinigay mo sa akin ay makasama ko sa kinaroroonan ko. Ito ay upang mamasdan nila ang aking kaluwalhatian na iyong ibinigay sa akin. Sapagkat iniibig mo na ako bago pa itinatag ang sanlibutan.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International