Font Size
Juan 18:3-5
Magandang Balita Biblia
Juan 18:3-5
Magandang Balita Biblia
3 Isinama roon ni Judas ang ilang mga bantay sa Templo at isang pangkat ng mga kawal Romano na padala ng mga punong pari at mga Pariseo. May dala silang mga lampara, mga sulo at mga sandata. 4 Alam ni Jesus ang lahat ng mangyayari sa kanya kaya't sila ay sinalubong niya at tinanong, “Sino ang hinahanap ninyo?”
5 “Si Jesus na taga-Nazaret,” sagot nila.
At sinabi niya, “Ako iyon.”
Si Judas na nagkanulo sa kanya ay kaharap nila noon.
Read full chapter
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.