Add parallel Print Page Options

13 Nang marinig nga ni Pilato ang mga salitang ito, (A)ay inilabas niya si Jesus, at siya'y naupo sa hukuman sa dakong tinatawag na Pavimento, datapuwa't sa Hebreo ay Gabbatha.

14 (B)Noon nga'y Paghahanda ng paskua: at noo'y (C)magiikaanim ng oras. At sinabi niya sa mga Judio, Narito, ang inyong Hari!

15 Sila nga'y nagsigawan, Alisin siya, alisin siya, ipako siya sa krus! Sinabi sa kanila ni Pilato, Ipapako ko baga sa krus ang inyong Hari? Nagsisagot ang mga pangulong saserdote, Wala kaming hari kundi si Cesar.

Read full chapter