Add parallel Print Page Options

29 Mayroon doong isang sisidlang punô ng maasim na alak, kaya't naglagay sila ng isang esponghang basa ng suka[a] sa isang sanga ng isopo,[b] kanilang inilagay sa kanyang bibig.

30 Nang matanggap ni Jesus ang suka[c] ay sinabi niya, “Natupad na.” At itinungo ang kanyang ulo, at siya ay namatay.[d]

Inulos ang Tagiliran ni Jesus

31 Sapagkat noo'y araw ng Paghahanda, upang maiwasan na ang mga katawan ay manatili sa krus sa araw ng Sabbath (sapagkat dakila ang araw ng Sabbath na iyon), hiniling ng mga Judio kay Pilato na baliin ang kanilang mga binti at sila'y alisin doon.

Read full chapter

Footnotes

  1. Juan 19:29 o maasim na alak .
  2. Juan 19:29 Tingnan sa Talaan ng mga Salita.
  3. Juan 19:30 o maasim na alak .
  4. Juan 19:30 Sa Griyego ay ibinigay ang kanyang espiritu .