Add parallel Print Page Options

29 Sinabi ni Jesus sa kanya, “Naniwala ka ba dahil nakita mo ako? Mapapalad ang mga hindi nakakita subalit sumasampalataya.”

Ang Layunin ng Aklat na Ito

30 Marami pang ibang himala na ginawa si Jesus sa harap ng kanyang mga alagad na hindi naisulat sa aklat na ito. 31 Subalit ang mga ito ay isinulat upang kayo ay sumampalataya na si Jesus ang Cristo, ang Anak ng Diyos, at sa inyong pagsampalataya, kayo ay magkaroon ng buhay sa pamamagitan ng kanyang pangalan.[a]

Read full chapter

Footnotes

  1. Juan 20:31 o kaya, sa inyong pagsampalataya sa kanyang pangalan, kayo ay magkaroon ng buhay.