Add parallel Print Page Options

10 Sinabi ni Jesus sa kanila: Dalhin ninyo rito ang mga isda na ngayon lang ninyo nahuli.

11 Umahon si Simon Pedro. Hinila niya ang lambat sa dalampasigan. Ang lambat ay puno ng mga malalaking isda. Isang daan at limampu’t tatlo ang kanilang bilang. Kahit na ganoon karami ang isda, hindi napunit ang lambat. 12 Sinabi ni Jesus sa kanila: Halikayo at mag-agahan. Walang sinuman sa mga alagad ang naglakas ng loob na magtanong kung sino siya dahil alam nila na siya ang Panginoon.

Read full chapter