Add parallel Print Page Options

14 Ito na ang ikatlong ulit na nagpakita si Jesus sa kaniyang mga alagad mula nang siya ay ibinangon mula sa mga patay.

Si Pedro ay Muling Pinatatag ni Jesus

15 Pagkatapos nilang mag-agahan, sinabi ni Jesus kay Simon Pedro: Simon, anak ni Jonas, iniibig mo ba ako nang higit sa mga ito?

Sinabi niya sa kaniya: Opo, Panginoon. Alam mong may paggiliw ako sa iyo.

Sinabi ni Jesus sa kaniya: Pakainin mo ang aking mga batang tupa.

16 Sinabi niyang muli sa kaniya sa ikalawang pagka­kataon: Simon, anak ni Jonas, iniibig mo ba ako?

Sinabi ni Pedro sa kaniya: Opo, Panginoon. Alam mong may paggiliw ako sa iyo.

Sinabi ni Jesus sa kaniya: Alagaan mo ang aking mga tupa.

Read full chapter