Juan 21:15-17
Ang Salita ng Diyos
Si Pedro ay Muling Pinatatag ni Jesus
15 Pagkatapos nilang mag-agahan, sinabi ni Jesus kay Simon Pedro: Simon, anak ni Jonas, iniibig mo ba ako nang higit sa mga ito?
Sinabi niya sa kaniya: Opo, Panginoon. Alam mong may paggiliw ako sa iyo.
Sinabi ni Jesus sa kaniya: Pakainin mo ang aking mga batang tupa.
16 Sinabi niyang muli sa kaniya sa ikalawang pagkakataon: Simon, anak ni Jonas, iniibig mo ba ako?
Sinabi ni Pedro sa kaniya: Opo, Panginoon. Alam mong may paggiliw ako sa iyo.
Sinabi ni Jesus sa kaniya: Alagaan mo ang aking mga tupa.
17 Sinabi ni Jesus sa kaniya sa ikatlong pagkakataon: Simon, anak ni Jonas, may paggiliw ka ba sa akin?
Nagdalamhati si Pedro sapagkat sa ikatlong pagkakataon ay sinabi ni Jesus sa kaniya: May paggiliw ka ba sa akin? Sinabi ni Pedro sa kaniya: Panginoon, alam mo ang lahat ng mga bagay. Alam mo na may paggiliw ako sa iyo.
Sinabi ni Jesus sa kaniya: Pakanin mo ang aking mga tupa.
Read full chapterCopyright © 1998 by Bibles International