Add parallel Print Page Options

Nang madaling-araw na, may nakita silang nakatayo sa dalampasigan. Pero hindi nila nakilala na si Jesus iyon. Tinawag sila ni Jesus, “Mga kaibigan,[a] may huli ba kayo?” Sumagot sila, “Wala po.” Sinabi ni Jesus sa kanila, “Ihulog nʼyo ang lambat sa gawing kanan ng bangka at makakahuli kayo.” Iyon nga ang ginawa nila. Halos hindi na nila mahila ang lambat sa dami ng nahuli nilang isda.

Read full chapter

Footnotes

  1. 21:5 Mga kaibigan: sa literal, Mga anak.