Font Size
Juan 21:6-8
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Juan 21:6-8
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
6 “Ihulog(A) ninyo ang lambat sa gawing kanan ng bangka at makakahuli kayo,” sabi ni Jesus.
Inihulog nga nila ang lambat at nang hilahin nila ito ay hindi nila makaya sa dami ng huli. 7 Sinabi kay Pedro ng alagad na minamahal ni Jesus, “Ang Panginoon iyon!”
Nang marinig ni Simon Pedro na ang Panginoon iyon, nagsuot siya ng damit dahil nakahubad siya noon at saka lumusong sa tubig. 8 Dumating sa pampang ang kasama niyang mga alagad, sakay ng bangka at hila-hila ang lambat na puno ng isda. Hindi sila gaanong malayo sa pampang, mga siyamnapung metro lamang.
Read full chapter