Add parallel Print Page Options

45 Kaya nang siya ay dumating sa Galilea, tinanggap siya ng mga taga-Galilea na pumunta rin sa kapistahan. Ito ay sapagkat nakita nila ang lahat ng mga bagay na ginawa niya sa Jerusalem sa panahon ng kapistahan.

46 Pumunta ngang muli si Jesus sa Cana na nasa Galilea. Ito ang pook na kung saan ginawa niyang alak ang tubig. Naroroon ang isang opisyal ng hari na ang kaniyang anak na lalaki, na nasa Capernaum, ay maysakit. 47 Narinig ng opisyal ng hari na si Jesus ay dumating sa Galilea mula sa Judea. Pagkarinig niya, pumunta siya kay Jesus at hiniling na siya ay lumusong at pagalingin ang kaniyang anak na lalaki sapagkat ang kaniyang anak ay mamamatay na.

Read full chapter