Font Size
Juan 6:5-7
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Juan 6:5-7
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
5 Tumanaw si Jesus at nang makita niyang dumarating ang napakaraming tao, tinanong niya si Felipe, “Saan kaya tayo makakabili ng tinapay upang makakain ang mga taong ito?” 6 Sinabi niya iyon upang subukin si Felipe, sapagkat alam na niya ang kanyang gagawin.
7 Sumagot naman si Felipe, “Kahit na po halagang dalawandaang salaping pilak[a] ng tinapay ay di sasapat para makakain sila nang tigkakaunti.”
Read full chapterFootnotes
- 7 SALAPING PILAK: Ito ay katumbas ng maghapong sahod ng isang karaniwang manggagawa.