Font Size
Juan 7:17-19
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Juan 7:17-19
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
17 Ang sinumang naghahangad na gawin ang kalooban ng nagsugo sa akin ay makaaalam kung ang itinuturo ko ay galing sa Diyos o nagsasalita lamang ako mula sa sarili. 18 Ang nagsasalita mula sa kanyang sarili ay naghahangad ng sariling karangalan. Ngunit ang nagsisikap na parangalan ang nagsugo sa kanya, ang taong ito ay tapat, at hindi nagsisinungaling. 19 Hindi ba si Moises ang nagbigay sa inyo ng kautusan? Subalit wala naman sa inyo ang tumutupad nito. Bakit sinisikap ninyo akong patayin?”
Read full chapter
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.