Add parallel Print Page Options

28 Sa malakas na tinig nga ay nagtuturo si Jesus sa templo. Kaniyang sinabi: Kilala ninyo ako at alam ninyo ang aking pinagmulan. Hindi ako narito nang sa sarili ko lamang. Subalit siya na nagsugo sa akin ay totoo. Hindi ninyo siya kilala. 29 Kilala ko siya dahil ako ay mula sa kaniya at ako ay sinugo niya.

30 Humahanap nga sila ng pagkakataon upang hulihin siya ngunit walang humuli sa kaniya dahil hindi pa dumarating ang kaniyang oras.

Read full chapter