Add parallel Print Page Options

Kaya nga, sinabi sa kaniya ng mga kapatid niyang lalaki: Umalis ka rito. Pumunta ka sa Judea nang makita rin ng iyong mga alagad ang mga gawang ginagawa mo. Ito ay sapagkat ang isang tao na nagnanais na makilala ng madla ay hindi gumagawa ng anuman ng palihim. Kung dahil ginagawa mo ang mga bagay na ito, ipakita mo ang iyong sarili sa sanlibutan. Ito ay sapagkat maging ang mga kapatid niyang lalaki ay hindi sumasampalataya sa kaniya.

Read full chapter