Font Size
Juan 8:22-24
Ang Biblia, 2001
Juan 8:22-24
Ang Biblia, 2001
22 Sinabi ng mga Judio, “Magpapakamatay kaya siya sapagkat kanyang sinabi, ‘Sa aking pupuntahan ay hindi kayo makakapunta.’”
23 Sinabi niya sa kanila, “Kayo'y mga taga-ibaba, ako'y taga-itaas. Kayo'y mga taga-sanlibutang ito; ako'y hindi taga-sanlibutang ito.
24 Kaya't sinabi ko sa inyo na kayo'y mamamatay sa inyong mga kasalanan, sapagkat malibang kayo'y sumampalataya na Ako Nga,[a] ay mamamatay kayo sa inyong mga kasalanan.”
Read full chapterFootnotes
- Juan 8:24 Ako Nga: Isa sa mga pangalan ng Diyos (Exodo 3:15).