Add parallel Print Page Options

27 Hindi nila naunawaan na ang sinabi niya sa kanila ay patungkol sa Ama. 28 Kaya nga, sinabi ni Jesus sa kanila: Kapag naitaas na ninyo ang Anak ng tao ay saka ninyo makikilala na ako nga siya. Malalaman ninyo na wala akong ginagawa nang sa sarili ko. Subalit kung papaano ako tinuturuan ng Ama ay gayunding sinasabi ko ang mga bagay na ito. 29 Siya na nagsugo sa akin ay kasama ko. Hindi ako iniwang mag-isa ng Ama sapagkat lagi kong ginagawa ang mga bagay na nakakalugod sa kaniya.

Read full chapter