Add parallel Print Page Options

41 Ginagawa ninyo ang mga gawa ng inyong ama. Sinabi nila sa kaniya, (A)Hindi kami inianak sa pakikiapid; (B)may isang Ama kami, ang Dios.

42 Sinabi sa kanila ni Jesus, Kung ang Dios ang inyong ama, ay inyong iibigin ako: (C)sapagka't ako'y nagmula at nanggaling sa Dios; sapagka't hindi ako naparito sa aking sarili, kundi sinugo niya ako.

43 Bakit hindi ninyo napaguunawa ang aking pananalita? sapagka't hindi ninyo mangyayaring dinggin ang aking salita.

Read full chapter