Font Size
Juan 8:52-54
Ang Salita ng Diyos
Juan 8:52-54
Ang Salita ng Diyos
52 Sinabi nga ng mga Judio sa kaniya: Ngayon ay alam na namin na mayroon kang demonyo. Si Abraham at ang mga propeta ay namatay. Sinasabi mo na kung ang sinuman ay tutupad ng iyong salita ay hindi makakaranas ng kamatayan magpakailanman. 53 Mas dakila ka pa ba kaysa sa aming amang si Abraham? Siya ay namatay, gayundin ang mga propeta. Ano ba ang palagay mo sa iyong sarili?
54 Sumagot si Jesus: Kung niluluwalhati ko ang aking sarili, ang aking kaluwalhatian ay walang kabuluhan. Ang aking Ama ang siyang lumuluwalhati sa akin. Siya ang sinasabi ninyong inyong Diyos.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International