Add parallel Print Page Options

16 Ang ilan nga sa mga Fariseo ay nangagsabi, Ang taong ito'y hindi galing sa Dios, (A)sapagka't hindi nangingilin sa sabbath. Datapuwa't sinasabi ng mga iba, (B)Paano bagang makagagawa ng gayong mga tanda ang isang taong makasalanan? At nagkaroon ng (C)pagkakabahabahagi sa gitna nila.

17 Muling sinabi nga nila sa bulag, Ano ang sabi mo tungkol sa kaniya, na siyang nagpadilat ng iyong mga mata? At kaniyang sinabi, (D)Siya'y isang propeta.

18 Hindi nga nagsipaniwala ang mga Judio tungkol sa kaniya, na siya'y naging bulag, at tumanggap ng kaniyang paningin, hanggang sa kanilang tinawag ang mga magulang niyaong tumanggap ng kaniyang paningin,

Read full chapter