Judas 10-12
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
10 Ngunit ang mga taong ito ay lumalapastangan sa anumang hindi nila nauunawaan. Para silang mga hayop na walang pag-iisip na napapahamak dahil sumusunod lamang sila sa kanilang mga nararamdaman. 11 Kaysaklap ng sasapitin nila! (A) Sapagkat tinahak nila ang daan ni Cain. Isinuko ang sarili sa pagkakamali ni Balaam dahil sa pagkakakitaan; at tulad ni Kora ay napahamak dahil sa paghihimagsik. 12 Ang mga taong ito'y kasiraan sa inyong mga piging ng pagmamahalan. Hindi sila nahihiyang nakikisalo sa inyo at sarili lamang ang pinakakain. Tulad sila ng mga ulap na walang dalang tubig at tinatangay lamang ng hangin. Kagaya sila ng mga punongkahoy sa pagtatapos ng taglagas, hindi na aasahang magbunga dahil binunot na at patay na.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.