Add parallel Print Page Options

10 Ngunit nilalait ng mga taong ito ang mga bagay na hindi nila nalalaman. Ngunit ang mga bagay na likas nilang nauunawaan ay ginagamit nila sa kanilang sariling kasiraan, tulad ng mga hayop na walang pag-iisip.

11 Sa aba nila! Ito ay sapagkat sumunod sila sa daan ni Cain. At sa pagnanais nila ng kabayarang salapi, bumulusok sila sa kalikuan ni Balaam. At gaya ni Core sila ay naghimagsik at nalipol.

12 Ang mga taong ito ay mga lubog na bato[a]sa inyong pagsasalu-salo sa hapag ng pag-ibig. Nakikisalo silang kasama ninyo nang walang takot, na ang sarili lamang nila ang kanilang pinangangalagaan. Sila ay parang ulap na walang tubig na dinadala ng mga hangin. Katulad din sila ng punong-kahoy na hindi namumunga kahit kapanahunan na, dalawang ulit nang namatay, binunot mula sa mga ugat.

Read full chapter

Footnotes

  1. Judas 1:12 Batong nakahalo sa pagkaing nakahain.