Add parallel Print Page Options

At ang mga anghel na hindi nanatili sa kanilang dating kalagayan, kundi iniwan ang kanilang tinatahanan, ay inilaan ng Diyos sa walang hanggang tanikala sa ilalim ng kadiliman para sa dakilang araw ng paghuhukom. Gayundin ang ginawa sa lungsod ng Sodoma at Gomora at sa mga kalapit lungsod nito. Nagpakabuyo sila sa pakikiapid at mahalay na pagnanasa sa ibang laman. Sila ay naging halimbawa nang sila ay pumailalim sa parusa ng apoy na walang hanggan.

Gayundin ang mga taong ito. Sila ay mga taong nananaginip ng masama na dinudungisan ang kanilang laman. Tinatanggihan nila ang mga may kapangyarihan at nilalait nila ang mga maluwalhating nilalang.

Read full chapter