Mga Hukom 21:8-14
Ang Biblia, 2001
8 At kanilang sinabi, “Sino sa mga lipi ng Israel ang hindi umahon sa Panginoon sa Mizpa? Natuklasan na walang pumunta sa kampo sa Jabes-gilead, sa kapulungan.”
9 Sapagkat nang bilangin ang bayan, wala ang mga naninirahan sa Jabes-gilead.
10 Kaya't nagsugo roon ang kapulungan ng labindalawang libong mandirigma, at iniutos sa kanila, na sinasabi, “Kayo'y humayo, tagain ninyo ng talim ng tabak ang mga mamamayan ng Jabes-gilead, pati ang mga babae at mga bata.
11 Ito ang inyong gagawin. Inyong lubos na lilipulin ang bawat lalaki, at bawat babae na sinipingan ng lalaki.”
12 Kanilang nalaman na ang mga naninirahan sa Jabes-gilead ay apatnaraang dalaga, na hindi nakakakilala ng lalaki sa pamamagitan ng pagsiping sa kanya. Kanilang dinala sila sa kampo sa Shilo na nasa lupain ng Canaan.
13 Pagkatapos ay nagsugo ang buong kapulungan at nagsalita sa mga anak ni Benjamin na nasa bato ng Rimon, at nagpahayag ng kapayapaan sa kanila.
14 Bumalik ang Benjamin nang panahong iyon, at kanilang ibinigay sa kanila ang mga babaing kanilang iniligtas na buháy sa mga babae ng Jabes-gilead. Gayunma'y hindi sila sapat para sa kanila.
Read full chapter