Add parallel Print Page Options

Ang Israel ay muling tumalikod sa Dios.

At ginawa uli ng (A)mga anak ni Israel ang kasamaan sa paningin ng Panginoon, at (B)naglingkod sa mga Baal, at kay Astaroth, at sa mga dios sa Siria, at sa mga dios sa (C)Sidon, at sa mga dios sa Moab, at sa mga dios ng mga anak ni Ammon, at sa mga dios ng mga (D)Filisteo; at pinabayaan nila ang Panginoon, at hindi naglingkod sa kaniya.

At ang galit ng Panginoon ay nagalab laban sa Israel, (E)at ipinagbili niya sila sa kamay ng mga Filisteo, at sa kamay ng mga anak ni (F)Ammon.

At kanilang pinahirapan at pinighati ang mga anak ni Israel nang taong yaon: labing walong taong pinighati ang lahat ng mga anak ni Israel na nangasa dako roon ng Jordan sa lupain ng mga Amorrheo, na nasa Galaad.

At ang mga anak ni Ammon ay tumawid sa Jordan upang lumaban naman sa Juda, at sa Benjamin, at sa sangbahayan ni Ephraim; na ano pa't ang Israel ay totoong pinapaghinagpis.

10 (G)At dumaing ang mga anak ni Israel sa Panginoon, na sinasabi, Kami ay nagkasala laban sa iyo, sapagka't aming pinabayaan ang aming Dios, at kami ay naglingkod sa mga Baal.

11 At sinabi ng Panginoon sa mga anak ni Israel, (H)Di ba pinapaging laya ko kayo sa mga taga Egipto, at sa mga (I)Amorrheo, sa mga anak ni (J)Ammon, at sa mga (K)Filisteo?

12 Ang mga Sidonio man, at ang mga (L)Amalecita, at ang mga Maonita ay pumighati rin sa iyo; at kayo'y dumaing sa akin, at pinapaging laya ko kayo sa kanilang mga kamay.

13 Gayon ma'y pinabayaan ninyo ako, at kayo'y naglingkod sa ibang mga dios: kaya't hindi ko na kayo palalayain.

14 Kayo'y yumaon at (M)dumaing sa mga dios na inyong pinili; palayain kayo nila sa panahon ng inyong kapighatian.

15 At sinabi ng mga anak ni Israel sa Panginoon, Kami ay nagkasala: gawin mo sa amin anomang iyong (N)mabutihin; isinasamo namin sa iyo, na iligtas mo lamang kami sa araw na ito.

16 At kanilang inihiwalay ang (O)mga dios ng iba sa kanila, at naglingkod sa Panginoon: (P)at ang kaniyang kaluluwa ay nagdalamhati dahil sa karalitaan ng Israel.

Read full chapter