Font Size
Judith 16:16-18
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Judith 16:16-18
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
16 Panginoon(A) nati'y lalong nagagalak, sa sinumang taong masunuri't tapat,
higit pa sa handog, kahit na anong sarap, na kung sinusunog ay humahalimuyak.
17 Alinmang bansang sa ati'y lumaban,
tiyak na hahantong sa kapahamakan.
Sila'y hahatulan ng Diyos na Panginoon.
Pagsapit ng Araw nitong Paghuhukom;
sila'y tutupukin, uod ay lilitaw,
tatangis sa dusang walang katapusan.”
Pasasalamat
18 Pagkaraan nito, ang mga tao'y pumunta sa Jerusalem upang sumamba sa Diyos. Nagsipaligo muna sila, saka nag-alay ng mga handog na susunugin, mga kusang-loob na handog at iba pang kaloob.
Read full chapter