Add parallel Print Page Options

Ang mga tao ay nagtakda ng mga bantay sa taluktok ng mga burol. Naglagay sila ng mga muog sa mga nayon at nag-imbak ng maraming pagkain bilang paghahanda sa digmaan; katatapos pa lamang nilang mag-ani noon.

Nang panahong iyon, si Joakim na pinakapunong pari sa Jerusalem ay sumulat sa mga taga-Bethulia at Bethomestaim, sa kapatagan ng Esdraelon, malapit sa Dotan. Mahigpit niyang ipinagbilin na bantayang mabuti ang mga lagusang paakyat sa bundok sapagkat madaling mapapasok ang Judea mula rito. Hindi sila mahihirapang humarap sa mga hukbong sasalakay sapagkat sa kipot ng lagusan ay dalawang tao lamang ang nakakaraan.

Read full chapter