Add parallel Print Page Options

Ang mga bagay na hinahangad ninyo ay nagsasabi ngayon, ‘Narito na kami.’ Sapagkat handa nang lahat ang inyong mga kapasyahan, at humahatol kayo ayon sa nababatid ninyo mula pa noong una. Inyong nakikita ang nagkakatipong mga taga-Asiria na nagyayabang dahil sa dami ng kanilang mga hukbong-lakad at nakakabayo, at dahil sa lakas ng taglay nilang mga sandata. Marami nga silang kalasag at sibat, pana't palaso, ngunit di nila kilala ang Diyos na nagpapahinto ng lahat ng digmaan; Panginoon ang inyong pangalan. Igupo ninyo ang kanilang hukbo, at durugin ng inyong galit ang kapangyarihan nila. Sapagkat balak nilang lapastanganin ang inyong templo, na doo'y sinasamba kayo, at tigpasin ang mga hawakan ng inyong altar.

Read full chapter