Font Size
Kawikaan 11:28-30
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Kawikaan 11:28-30
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
28 Mabibigo ang taong nagtitiwala sa kanyang kayamanan, ngunit ang taong matuwid ay lalago na parang sariwang halaman.
29 Ang mga hangal na nagdadala ng gulo sa sariling tahanan ay walang mamanahin sa huli. Magiging alipin lang sila ng mga taong may karunungan.
30 Ang ginagawa ng mga taong matuwid ay makakatulong sa iba upang mapabuti at mapahaba ang kanilang buhay.[a] At madadala niya ang mga tao sa pamamagitan ng kanyang karunungan.
Footnotes
- 11:30 makakatulong … buhay: sa literal, punongkahoy na nagbibigay ng buhay.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®