Add parallel Print Page Options

18 At ihaharap ninyo ang tinapay na kalakip ng pitong kordero ng unang taon na walang kapintasan, at ng isang guyang toro at ng dalawang tupang lalake: mga handog sa Panginoon na susunugin, na kalakip ng kanilang handog na harina, at ng kanilang mga handog na inumin, handog nga na pinaraan sa apoy na pinakamasarap na amoy sa Panginoon.

19 (A)At maghahandog kayo ng isang lalaking kambing na pinaka handog dahil sa kasalanan, (B)at ng dalawang korderong lalake ng unang taon na haing mga handog tungkol sa kapayapaan.

20 At aalugin ng saserdote pati ng tinapay ng mga unang bunga, na (C)pinaka handog na inalog sa harap ng Panginoon, na kalakip ng dalawang kordero: (D)ang mga tinapay ay magiging itinalaga sa Panginoon na ukol sa saserdote.

Read full chapter