Font Size
Levitico 14:22-24
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Levitico 14:22-24
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
22 Mag-aalay rin siya ng dalawang batu-bato o kalapati, ayon sa kanyang kaya; ang isa'y handog para sa kasalanan at handog na susunugin naman ang isa. 23 Pagdating ng ikawalong araw, dadalhin niya ang kanyang mga handog sa harapan ni Yahweh sa may pintuan ng Toldang Tipanan. 24 Kukunin at itataas ng pari sa harapan ni Yahweh ang tupang lalaki at ang 1/3 litrong langis bilang handog na pambayad sa kasalanan.
Read full chapter