Font Size
Levitico 15:19-21
Magandang Balita Biblia
Levitico 15:19-21
Magandang Balita Biblia
19 “Ang sinumang babaing nireregla ay pitong araw na ituturing na marumi. Ituturing ding marumi hanggang gabi ang makahawak sa kanya. 20 Ang anumang kanyang mahigaan o maupuan sa loob ng panahong iyon ay ituturing na marumi. 21 Ang sinumang makahipo sa higaan niya ay dapat maligo, lalabhan nito ang kanyang kasuotan, at siya'y ituturing ding marumi hanggang gabi.
Read full chapter
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.