Font Size
Levitico 15:6-8
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Levitico 15:6-8
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
6 Gayon din ang dapat gawin ng umupo sa inupuan ng may tulo; lalabhan din ang damit, maliligo at magbibihis at ituturing na marumi hanggang gabi. 7 Ang humawak sa may sakit na tulo ay dapat maligo at magbihis; lalabhan niya ang kanyang damit, at ituturing siyang marumi hanggang gabi. 8 Sinumang maduraan ng may ganitong sakit ay dapat ding maligo at magbihis; lalabhan niya ang kanyang damit at siya'y ituturing na marumi hanggang gabi.
Read full chapter