Add parallel Print Page Options

Ganito papasok nga si Aaron sa loob ng dakong banal, (A)may dalang isang guyang toro na handog dahil sa kasalanan, at isang tupang lalake na handog na susunugin.

(B)Siya'y magsusuot ng kasuutang banal, na lino at ng salawal na lino sa kaniyang laman, at magbibigkis siya ng pamigkis na lino, at ang mitra na lino ay kaniyang isusuot: ito ang mga bihisang banal; (C)at paliliguan niya ang kaniyang laman sa tubig at pawang isusuot niya.

(D)At siya'y kukuha sa kapisanan ng mga anak ni Israel, ng dalawang kambing na lalake na pinaka handog dahil sa kasalanan, at ng isang tupang lalake na pinaka handog na susunugin.

Read full chapter