Font Size
Levitico 16:32-34
Ang Biblia (1978)
Levitico 16:32-34
Ang Biblia (1978)
32 (A)At ang saserdote na papahiran (B)at itatalaga upang maging saserdote na kahalili ng kaniyang ama, ay siyang tutubos (C)at magsusuot ng mga kasuutang lino, na mga banal ngang kasuutan:
33 (D)At tutubusin niya ang banal na santuario, at tutubusin niya ang tabernakulo ng kapisanan, at ang dambana; at tutubusin niya ang mga saserdote at ang buong bayan ng kapisanan.
34 At ito'y magiging palatuntunang walang hanggan sa inyo; na tubusin ang mga anak ni Israel, dahil sa lahat nilang mga kasalanan, ng (E)minsan sa isang taon. At ginawa niya ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises.
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978