Font Size
Levitico 16:7-9
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Levitico 16:7-9
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
7 Pagkatapos, dadalhin niya ang dalawang kambing sa harapan ni Yahweh sa may pintuan ng Toldang Tipanan. 8 Sa pamamagitan ng palabunutan malalaman kung alin sa dalawa ang para kay Yahweh at alin ang para kay Azazel.[a] 9 Ang para kay Yahweh ay papatayin at iaalay tulad ng karaniwang handog para sa kasalanan.
Read full chapterFootnotes
- 8 AZAZEL: Hindi tiyak kung ano ang kahulugan ng salitang ito. Maaaring ito ay pangalan ng isang demonyong pinaniniwalaang naninirahan sa disyerto.