Font Size
Levitico 20:20-22
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Levitico 20:20-22
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
20 Kapag ang isang lalaki'y nakipagtalik sa asawa ng kanyang tiyo, dinungisan niya ang dangal nito. Ang lalaking iyon at ang babae ay nagkasala at dapat parusahan; mamamatay silang walang anak. 21 Kapag(A) kinasama ng isang lalaki ang kanyang hipag, dinungisan niya ang dangal ng kanyang kapatid. Mamamatay silang walang anak.
22 “Sundin ninyo ang lahat ng utos at tuntunin ko upang hindi kayo mapalayas sa lupaing pagdadalhan ko sa inyo.
Read full chapter