Add parallel Print Page Options

Huwag silang mag-aasawa ng isang babaing upahan[a] o babaing nadungisan, ni mag-aasawa sa isang babaing hiwalay na sa kanyang asawa, sapagkat ang pari[b] ay banal sa kanyang Diyos.

Siya ay iyong ituturing na banal, sapagkat siya ang naghahandog ng tinapay ng inyong Diyos. Siya'y magiging banal sa inyo; sapagkat akong Panginoon na nagpapabanal sa inyo ay banal.

Kapag dinungisan ng anak na babae ng isang pari ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagpapaupa[c] ay kanyang nilalapastangan ang kanyang ama; siya'y susunugin sa apoy.

Read full chapter

Footnotes

  1. Levitico 21:7 o nagbibili ng panandaliang aliw .
  2. Levitico 21:7 o siya .
  3. Levitico 21:9 o prostitusyon .